Manila, Philippines – Nakatakdang pulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa transportation at seguridad sa bansa.
Ito ay matapos ang aksidente sa Carangalan, Nueva Ecija na ikinasawi ng hindi bababa sa 30 tao.
Ipinatawag ni Pangulong Duterte ang Department of Transportation, Public Works and Highways, Philippine National Police, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, at Land Transportation Office.
Gusto kasi ni Pangulong Duterte na malaman ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan para maiwasan ang mga aksidenteng tulad nang nangyari sa Nueva Ecija.
Matatandaang kinansela ni Pangulong Duterte ang kanyang biyahe sa Nueva Ecija at Nueva Viscaya para personal na makiramay sa mga biktima ng aksidente at sa halip ay ipinatawag nalang ang mga opisyal ng pamahaaan para pagpulungan ang mga hakbang ng gobyerno.