Mga opisyal ng pamahalaan na umano’y nagpakulong kay Sen. De Lima, pinagbawalang pumasok sa Amerika
Bawal nang pumasok sa America ang mga opisyal ng Pamahalaan ng Pilipinas na may kinalaman sa umano’y maling pagpapakulong kay Senator Leila De Lima.
Ito ang itinatakda ng probisyon sa pambansang budget para sa taong 2020 nilagdaan ni US President Donald Trump.
Ayon sa media relations officer ni De Lima na si Ferdie Maglalang, ang nabanggit na impormasyon ay lbinahagi sa kanila ng tanggapan ni US Senator Richard Durbin.
Si Durbin at US Senator sa Patrick Leahy ang nagsulong nito.
Agad naman nagpasalamat si De Lima sa US Congress.
Diin ni De Lima, malinaw na kinikilala sya ng US Government bilang biktima ng political persecution.
Giit ni De Lima, ang mga ganitong pangyayari ay nagpapatunay na may hangganan din ang hindi pagsunod sa batas dahil tiyak na hahabulin ng hustisya ang mga gumagawa ng kawalang katarungan sa kanilang kapwa.
Umaasa si De Lima na ang kanyang sitwasyon ay maging leksyon sa lahat ng lumalabag sa karapatang-pantao na isinusulong sa buong mundo at hindi lamang simpleng isyu sa ating lipunan.