Mga opisyal ng Phil Ports Authority sa Surigao ipapatawag ng Sangguniang Panlalawigan. Ipapatawag sa susunod na regular na session ng Sangguniang Panlalawigan ang mga opisyal ng Phil Ports Authority Surigao para sa iilang pag-uusisa patungkol sa patuloy na welgang nangyayari ng Surigao Dockworkers Union laban sa Prudential Customs Brokerage Services Incorporated. Ayon kay Boardmember Melva Garcia, lumapit sa kanya ang mga miyembro ng Dockworkers at nagpapatulong na dahil diumano’y walang aksiyon at pag-take over na ginagawa ng PPA kahit na mahigit 15 araw na ang welga. Tinukoy na malaking abala ang nangyayari lalo na sa mga negosyante at kargamento na sa Butuan City pa kinukuha dahil hindi makadaung ang mga barko sa Surigao City Port. Inihayag din ni Boardmember Ched Arcillas na kung walang barko na magdadala ng kargamento, ang ibang negosyante sa eroplano na lamang ipinapadala at mas mahal ang binabayad. Iminungkahi nito na isang parallel investigation ang isagawa ng Sangguniang Panlalawigan gaya rin sa naunang imbestigasyon na ginawa sa Sangguniang Panlungsod nang malinawan sa isyu.
Mga opisyal ng Phil Ports Authority sa Surigao ipapatawag ng Sangguniang Panlalawigan
Facebook Comments