Mga opisyal ng PhilHealth, susunod na iimbestigahan ng NBI

Iimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance o PhilHealth.

Ito ang susunod na hakbang ng nbi.

Ayon kay NBI Deputy Director Vicente De Guzman III – isinampa na ang criminal complaints laban sa 10 indibidwal kabilang ang mga tauhan  ng Wellmed Dialysis and Laboratory Center dahil sa pagkakasangkot sa “ghost dialysis” scam.


Dagdag pa ng NBI – iimbestigahan din ang claims ng iba pang medical entities.

Una nang sinabi ni NBI spokesperson Deputy Director Ferdinand Lavin – iimbestigahan nila ang lahat ng entities na kumukubra ng refunds at reimbursements mula sa PhilHealth.

Facebook Comments