mga opisyal sa rehiyon na may mababang accomplishment tatanggaling sa pwesto

General Santos City— Nagpalabas ang memorandum si Police Chief Superintendent Eliseo Rasco, Regional Director ng Police Regional Office 12 sa lahat ng Mga City Director, Provincial Director, Chief Of Police at Police Regional Drug Enforcement Unit hinggil sa pagsasagawa ng law enforcement operation sa lahat ng illegal na aktibidad sa kani-kanilang areas of responsibility.

Ang nasabing memorandum ay ibinaba matapos nitong mapansin na bumaba ang accomplishment ng Police Regional Office 12, ibig sabihin anya naging relax ang lower unit sa pagsagawa ng mga operasyon laban sa llegal na droga, illegal na sugal, loose firearms, wanted person at iba pang special laws.

Matatandaan na ng maupo ito bilang regional director noong August 17, isa sa mga direktiba nito sa lahat ng opisyal ay ipagpatuloy ang kampanya laban sa illegal na droga at law enforcement operations.


Hinamon naman nito ang lahat ng opisyal ng kapulisan sa rehiyon na magsagawa ng mga operasyon at ang kanilang ipapasang accomplishment reportang magiging basehan ng kanilang unit performance at sinabing ang sino mang opisyal o kaninong unit ang makikitaan ng mababang accomplishment ay siguradong ma-rerelib mula sa kanilang pwesto.

Facebook Comments