Dinagsa ng libo libong mga mananampalatayang Islam ang ibat ibang venue ng congregational prayer sa Cotabato City .
Kabilang sa mga tinungo ng mga ito ang Peoples Palace Ground, Grand Mosque, City Central Pilot School Ground, CCSPC at Blue Mosque sa ARMM Compound.
Nagsimula ang Sambayang o pagsamba alas sais kanina. Sa Peoples Palace Ground o City Hall nanguna sa Congregational Prayer si Ustads Macmod Sumililao , naging sentro ng Kutba o sermon ay ang pananalig kay Allah at pagpapatawad sa kapwa.
Maliban sa Cotabato City, nakiisa rin sa Eidl Adha ang mga mananamapalatayang Islam, sa mga lalawigan ng North Cotabato at ARMM.
Kaugnay nito maliban sa pamamahagi ng Sadaka, inaasahang magtitipon tipon ngayonng araw ang mga magkakapamilya sa gagawing Kanduli o thanksgiving.
Nagpaabot na rin ng pagbati ng kapayapaan sina Atty. Rasul Mitmug, Chief of Staff ng ARMM, Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi , mga opisyales ng Moro Islamic Liberation Front at 6th Infantry Division.(DENNIS ARCON)
PIC: Tu Alfonso