MANILA – Sa ikatlong pagdinig ng Kamara sa pag-amyenda ng Konstitusyon tungo sa Pederalismo, sinang-ayunan ng ilang organisasyon ang pagsusulong ng Charter Change (Cha-Cha) ng Duterte administration.Sa ginanap na pagdinig ng House Committee On Constitutional Amendments, nagpahayag ang mga organisasyon ng pag-sangayon sa paraan ng Constituent Assembly para sa pagamyenda ng Saligang Batas.Ayon kina Margarito Teves ng Foundation for Economic Freedom at Bangko Sentral ng Pilipinas Managing Director Restituto Cruz, mas mabilis ang proseso at makakatipid kung Constitutional Assembly (Con-Ass) ang gagamitin.Kaugnay naman sa nilalaman ng Cha-Cha, sinabi ni Teves na partikular nilang tinutukan sa Cha-Cha ang pag-aaral sa pagbabago ng economic provisions.Naniniwala ito na kung maaalis ang mga limitasyon sa economic provisions ay hahatak ang bansa ng mas maraming foreign direct investments at mangangahulugan ito ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.Ayon naman kay Cruz, pabor din sila sa ganitong amiyenda pero hangad nilang mapanatili ang kontrol ng mga Pilipino sa agriculture sector.Inirekumenda din ni Cruz na dapat matuloy ang pagbuo ng Constitutional Commission na tutulong sa Con-Ass sa paglatag ng amiyenda sa saligang batas.
Mga Organisasyon, Sang-Ayon Sa Charter Change Ng Administrasyon
Facebook Comments