Mga ospital, dapat lamang nakalaan para sa severe at critical cases ng COVID-19 ayon kay Duque

Iginiit ng Department of Health (DOH) na dapat limitado lamang sa severe at critical cases ng COVID-19 ang hospital confinement.

Paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III, layunin nitong maiwasan ang congestion o pagsisikip sa mga ospital.

Sinabi ni Duque na ang utilization ng 8,287 community isolation center na may 70,000 kama para sa suspect at probable COVID-19 cases ay nasa 25% hanggang 30%.


Ang utilization rate naman para sa Mega Ligtas Quarantine facilities para sa mild at asymptomatic COVID-19 patients ay nasa 40% hanggang 50%.

Aniya, magkakaroon ng redistribution system kung saan tutukuyin kung sinong mga pasyente ang ilalagay sa mga ospital o sa temporary treatment facilities.

Sa pamamagitan nito, ang mga Level 2 at Level 3 hospitals na may Intensive Care Unit (ICU) rooms at mechanical ventilators ay hindi masasagad.

Nabatid na apat na ospital ang nagdeklara na ng full capacity sa pagpapagamot ng COVID-19 patients kabilang ang St. Lukes Medical Center, Makati Medical Center at The Medical City.

Facebook Comments