Mga pulis, magbabahay-bahay para hanapin ang mga COVID-19 patients na mayroong mild cases at asymptomatic

Mag-iikot sa mga komunidad at magbabahay-bahay ang mga pulis at local government personnel para matunton ang mga indibidwal na tinamaan ng COVID-19 na hindi dapat inilagay sa home quarantine.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang mga mild o asymptomatic COVID-19 patients ay hindi dapat naka-quarantine sa bahay kung bagsak ang mga ito sa tatlong requirements.

Kabilang na rito ang pagkakaroon ng hiwalay na kwarto, sariling banyo at walang vulnerable person sa bahay.


Sakaling hindi naabot ang mga nabanggit na requirements ay kailangang ilipat ang mga ito sa COVID isolation facilities.

Hinimok ni Año ang publiko na ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang sinumang mayroong COVID-19 para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Kaugnay nito, sinabi ni Chief Testing Czar, National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon na inilunsad ng Pamahalaan ang Oplan Kalinga na layong ilipat ang mga COVID-19 patients mula sa kanilang bahay patungong government isolation facilities.

Facebook Comments