Dapat maghanda ang mga ospital sakaling makapasok sa bansa ang Marburg virus.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na dapat magpatupad ang pamahalaan ng mga kahalintulad na polosiya kung paano iha-handle, ico-contain at pipigilan ang pagkalat ng Marburg virus tulad ng ginawa nito sa Ebola scare noong 2016.
Matatandaang, noong 1967 nang unang ma-detect ang Marburg virus na “clinically similar” sa Ebola virus.
Kapwa “rare” ang naturang dalawang virus na kung ma-detect sa isang lugar ay maaaring magdulot ng mataas na fatality rates.
Ayon sa World Health Organization (WHO), naisasalin ang sakit sa tao mula fruit bats at kumakalat sa mga tao sa pamamagitan ng human-to-human transmission.
Facebook Comments