Binalaan ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi) ang mga ospital sa bansa na hindi tumalimang itaas ang kapasidad ng mga pagamutan kasunod ng pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay PHAPi President Dr. Jose Rene De Grano, sa ilalim ng Bayanihan To Heal As One Act marapat na magtaas ng kapasidad ang parehong pampubliko at pribadong ospital upang matugunan ang pagdami ng pasyenteng nahawaan ng COVID-19.
Habang pinaalala rin nito ang penalty na kakaharapin ng isang ospital kung patuloy pa itong hindi susunod sa alituntunin ng gobyerno.
Matatandaang maliban sa pagpapalawak ng kapasidad ng mga ospital, nagset-up na rin ng mga modular hospitals at tents ang Department of Health (DOH) upang matugunan ang pagtaas ng kaso ng virus.
Aabot naman sa limang modular ospitals ang nakatakdang itayo ngayong Hunyo.