Mga ospital, nagre-recruit ng mga partisipante para sa pag-aaral sa melatonin laban sa COVID-19 ayon sa DOST

Kasalukuyang nagre-recruit ang dalawang ospital para sa clinical trials para sa pag-aaral ng melatonin bilang supplementary therapy laban sa COVID-19.

Ang Manila Doctors Hospital ay nagsasagawa na ng research at development study sa melatonin para sa COVID-19 patients na mayroong komplikasyon na nagsimula sa pneumonia.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, bukod sa MDH, ang Jose Rodriguez Memorial Medical Center ay nagre-recruit na rin ang partipants.


Target ng pag-aaral na makapag-enroll ng 350 COVID-19 patients, kung saan 175 ay ilalagay sa experimental pool at ang natitirang 175 ay para sa control group.

Layunin ng pag-aaral na malaman kung ang mataas na doses ng melatonin ay kayang mapababa ang pangangailangan ng intubation ng COVID-19 cases.

Ang DOST ay naglaan ng ₱9.8 million na pondo sa MDH R&D para sa paggamit ng melatonin bilang adjuvant therapy.

Bukod dito, pinopondohan din ng DOST ang pananaliksik at pag-aaral sa virgin coconut oil, tawa-tawa, at lagundi laban sa COVID-19.

Facebook Comments