Mga ospital, nararamdaman na ang impact ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ayon sa PCP

Nakikita na ng mga ospital ang impact ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa harap na rin ng banta ng Delta variant.

Ayon kay Philippine College of Physicians (PCP) President Dr. Maricar Limpin, dumarami na ang bilang ng mga pasyenteng isinusugod sa emergency rooms.

“Medyo nararamdaman na talaga namin yung pagtaas ng mga kaso, lalong-lalo na starting mga latter part of last week, nag-umpisa na medyo napansin naming dumadami. Hanggang linggong ito ay medyo mas marami talaga,” ani Limpin.


Sa ibang bansa aniya, ang pagtaas aniya ng kaso ay nagreresulta ng pagtaas ng hospitalization at dumarami rin ang namamatay.

Bukod dito, sinabi rin ni Limpin na maraming health workers ang nagkakasakit.

“Maski sa healthcare worker natin medyo napansin din namin na dumami na naman yung nagkaroon ng COVID-19,” sabi ni Limpin.

Panawagan nila sa pamahalaan, dagdagan ang respiratory equipment at supplies tulad ng ventilators, at oxygen tanks lalo na sa rural areas.

Facebook Comments