Mga ospital sa buong bansa, kakaunti na lamang ang naka-admit na COVID patients

Mga ospital sa buong bansa, kakaunti na lamang ang naka-admit na COVID patients

62 mula sa 158 na mga ospital dito sa Metro Manila ay wala nang naka-admit na COVID-19 patients sa nakalipas na limang araw.

Ito ang sinabi ni Health Usec. at Treatment Czar Leopoldo Vega sa Laging Handa public press briefing.


Ayon kay Vega, kapareho rin ang sitwasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nangangahulugang kakaunti na lamang ang mga naoospital na mga positibo sa COVID-19.

Inihalimbawa pa ni Usec. Vega ang Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Davao Region kung saan 62% ng mga ospital doon ay wala ng COVID-19 admission.

Kasunod nito, unti-unti na ring nagbabawas ng bed allocation for COVID-19 patients sa layuning maserbisyuhan ang mga non-COVID patients partikular na ang nangangailangan ng emergency response.

Pero paliwanag nito, mayroon silang istratehiya sa mga ospital na kapag mataas ang kaso ng COVID-19 ay tataas din ang alokasyon para sa COVID patients.

Facebook Comments