Umabot na sa ‘critical level’ ang mga ospital sa Cagayan de Oro City dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Department of Health – Northern Mindanao Regional Director Dr. Jose Llacuna Jr., mayroon 1,329 na aktibong kaso ang rehiyon dahilan para sumipa sa 88.9% ang kanilang critical utilization rate.
Sinabi naman ni LLacuna na umapela na sila sa mga pribadong ospital na taasan ang kanilang kapasidad sa tinatanggap na pasyente ng COVID sa 20% dahil punuan na ang mga pampublikong ospital.
Dalawang COVID-19 variant na rin ang nakapasok sa rehiyon pero hindi na niya ito pinangalanan.
Facebook Comments