Pinulong ng Department of Health (DOH) ang mga ospital sa Metro Manila upang malaman ang kasalukuyang estado ng kani-kanilang pagamutan.
Ayon kay Health Undersecrtary Maria Rosario Vergeire, nais nilang alamin ang kapasidad ng mga nasabing ospital.
Partikular na nais malaman ng DOH kung nakasusunod sila sa mandato ng kagawaran na dapat ilaan ang 30% ng kanilang capacity para sa mga pasyenteng may COVID-19.
Nabatid kasi na may ilang ospital ang napupuno na ang kanilang ibang pasilidad ng COVID-19 patients kaya’t hindi na muna sila tumatanggap ng mga bagong pasyente na may kinalaman sa COVID-19.
Matatandaan na unang nagdeklara ng full capacity ang Chinese General Hospital para sa kanilang COVID-19 ward.
Ipinaliwanag naman ni Vergeire na bagama’t nagdedeklara ng full capacity ang mga ospital, ito ay para sa COVID-19 wards lamang.
May natitira pang lugar ang mga ito para sa iba pang pasyente na may ibang karamdaman.