MGA OSPITAL SA REGION 1, ITATAAS SA CODE WHITE ALERT NGAYONG SEMANA SANTA

Itataas sa Code White Alert ang lahat ng ospital at health facilities sa Region 1 mula Marso 31 hanggang Abril 7, 2026 bilang paghahanda sa anumang posibleng insidente ngayong Semana Santa at sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero at deboto.

Sa ilalim ng Code White Alert, naka-standby ang mga medical personnel at inaasahang agad na makakatugon sa anumang uri ng emergency, kabilang ang mga aksidente sa kalsada, heat-related illnesses, at iba pang health concerns na karaniwang nararanasan tuwing holiday season.

Tinitiyak din ng mga awtoridad ang sapat na suplay ng gamot, medical equipment, at kahandaan ng mga pasilidad upang matugunan ang posibleng pagtaas ng bilang ng mga pasyente sa panahong ito.

Pinapayuhan naman ang publiko na mag-ingat sa kanilang kalusugan, lalo na sa matinding init ng panahon, at agad na magpakonsulta sakaling makaranas ng anumang sintomas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments