Nasa ilalim na ng Modified General Community Quarantine ang Cotabato City simula ngayong araw, June 1.
Sinasabing magiging maluwag na ang City Government at mga otoridad para sa publiko ngunit may kaakibat na pag-iingat o minimum health standard giit pa ni Admin Dr. Danda Juanday sa naging panayam ng DXMY ngayong umaga.
Hindi na kinakailangan ng Quarantine Pass, aalisin na ang mga nakabalandrang mga Barikada sa mga barangay, mula alas 10 ng gabi hanggang alas 4 na ng umaga ang curfew ngunit magpapatuloy naman ang odd- even scheme sa mga motorista.
Iginiit naman ng City Government na bagaman na hindi na pinagbabawalan na lumabas ng kanilang tahanan ang mga may edad 21 below at 59 above , pinaalalahanan pa rin ng mga ito na siguruhing maging ligtas laban sa karamdaman. Maari na rin aniyang pumasok ang mga taga ibang bayan sa Cotabato City .
Kaugnay nito, hinimok pa rin ng LGU ang lahat nga lalo pang maging maingat kontra COVID-19. Responsibilidad aniya ng lahat ang pag-iingat,(D.A)
CCTO Pic