Mga otoridad sa Pasay, nag-iikot sa mga business establishments kasunod ng lockdown sa 33 barangays sa lungsod

Nagsanib-pwersa ang Philippine National Police (PNP) at barangay officials sa pag-iikot sa business officials sa Pasay City.

Kasunod ito ng pagsasailalim sa lockdown sa 33 barangays at 1 business establishment sa lungsod dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Katuwang ng PNP at barangay officials sa inspeksyon ang Environment and Natural Resources Office, Tricycle-Pedicab Franchising and Regulatory Office, at Traffic and Parking Management Office.


Sa kanilang inspeksyon, tinitiyak ng mga ito na nasusunod ng business establishments ang protocols na pinatutupad ng Inter Agency Task Force.

Batay sa record ng Pasay City Local Government Unit, 15 na kaso kada araw ang kanilang naitatala mula noong October 2020 hanggang February 2021 at 14 COVID cases kada araw mula January 2021 hanggang February 2021.

Facebook Comments