Mga awtoridad sinusuyod ang mga high risk areas sa paligid ng Bulkang Taal, para ilikas pa ang mga nagmamatigas na mga residente

Patuloy na sinusuyod ng mga otoridad ang mga tinaguriang high risk areas na malapit sa Bulkang Taal.

Ito ay para matiyak na maiaalis ang lahat ng mga nakatira doon para na rin sa kanilang kaligtasan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal na kung meron mang natitira pang indibidwal sa mga high risk areas ay mangilan-ngilan na lamang at sa katunayan ay binigyan nila ng oras ang mga ito para tingnan ang kanilang mga tahanan at mga alagang hayop.


Kasunod nito, tiniyak ng opisyal na hindi nila papayagan na manatili ang mga tao roon lalo na kung matindi na talaga ang banta ng peligro ng Bulkang Taal.

Facebook Comments