Mga miyembro ng transport group sa Bacolod City, nakatanggap na ng fuel subsidy ayon sa LTFRB

Natanggap na ng mga miyembro ng transport group mula sa Bacolod City ang kanilang Pantawid Pasada Program cards sa ilalim ng Fuel Subsidy Program ng pamahalaan.

Ito na ang ikalawang batch ng pamamahagi ng fuel subsidy ng gobyerno na nagsimula noong March 14, 2022.

Nauna namang nagbigay ng subsidiya ang Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong November 2021, kung saan nasa mahigit 130,000 PUJ franchise grantees ang nabigyan ng ₱7,200 na fuel subsidy.


Patuloy naman ang LTFRB sa pagproseso ng fuel subsidy sa iba pang mga benepisyaryo na lubhang naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng produkto petrolyo.

Facebook Comments