Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Education o DepEd na nabawasan na ang mga paaralan na ginagamit bilang mga evacuation center ng mga na biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Ayon kay DepEd Undersecretary Alain Pascua, noong February 18, mayroong 162 classroom ang ginanamit na evacuation center sa Batangas, pero ngayong araw ay nasa 24 classrooms nalang ito.
Aniya, mula sa 20 schools noong February 18, ito ay nasa 11 nalang.
Sinabi niya na nasa 994 individuals o 282 families ang nakatira ngayon sa 24 na mga classroom sa 11 mga paaralan sa Batangas.
Samantala, mayroon naman 35 schools ang nanatiling walang pasok dahil nasa loob ito ng 14-kilometer danger zone at ang iba ay ginanagamit bilang evacuation center, kung saan 17,093 na mga magaaral ang apektado nito.
Matatandaan, noong January 12 ngayong taon sumabog ang Taal Volcano na kung saan napinsala nito ang buong Batangas at mga kalapit nitong mga lugar.