Mga paaralan, pinag-iingat ng isang Senador sa ASF

Pinag-iingat ni Senador Win Gatchalian ang lahat ng mga paaralan sa bansa dahil posibleng lingid sa kanilang kaalaman ay nagbebenta na pala sila ng mga produktong positibo sa African Swine Fever o ASF

Babala ito ni Gatchalian, makaraang kumpirmahin ng Bureau of Animal Industryo BAI sa ilalim ng Department of Agriculture o DA na positibo sa ASF ang mga produktong hotdog at skinless longganisa mula sa Mekeni.

Ayon kay Gatchalian, mahilig ang mga bata sa mga ganitong  klase ng mga produkto kaya mahalaga na mag-doble ingat ang mga paaralan lalo na sa mga feeding program na isinasagawa ng Department of Education o DepEd.


Kasabay nito ay pinaalalahanan din ni Gatchalian ang lahat ng mga magulang o maybahay na maging mapanuri sa mga pagkain sa bahay upang hindi malagay sa panganib ang kanilang kalusugan lalo na ang kanilang mga anak.

Facebook Comments