Isasara muna ng dalawang linggo ang lahat ng mga paaralan sa Bangkok, Thailand matapos ang COVID-19 cases surge.
Ito ay matapos maitala kahapon ang 279 na bagong kaso ng COVID sa Thailand kung saan karamihan sa mga ito ay mula sa lalawigan ng Samut Sakhon at sa mga illegal gambling den sa probinsya ng Rayong.
Ayon kay Bangkok Metropolitan Administration Spokesperson Pongsakorn Kwanmuang, isasara ang lahat ng mga paaralan, daycare centers, preschool at tutorial centers mula Enero 4 hanggang 17.
Maliban dito, isasara rin ang ilang mga pampublikong pasilidad gaya ng amusement park, playground, public baths at massage parlor.
Ikinokonsidera naman ng mga otoridad na magpataw ng restriksyon sa mga restaurants pero kailangan pa itong matalakay nang husto.