Pumalo na sa 2, 552 na paaralan sa Region 1 ang nagsasagawa ng limited face-to-face classes.
Katumbas ito ng 98% paaralan sa kalakhang rehiyon.
Ayon kay Dr. Tolentino Aquino, DepEd Ilocos Regional Director, marami pang mga paaralan sa rehiyon ang nagsusumite sa kanilang tanggapan ng aplikasyon sa pagsasagawa ng limited-face-to-face classes.
Nasa 2% na rin ng mga pribadong paaralan sa rehiyon ang nagsasagawa ng limited-face-to-face classes.
Mula sa 1. 2 milyong mag-aaral na naka-enroll sa school year 2021-2022, nasa 60% nito o may kabuuang 723, 816 na ang nakikilahok ngayon sa limited face-to-face classes.
Inihayag ng opisyal sa nasabing bilang, wala ni isa dito ang tinamaan ng COVID-19 gayundin sa personnel ng DepEd.
Bunga aniya ito ng mahigpit na pagpapatupad ng minimum public health standards sa mga paaralan.
Nagpasalamat si Aquino sa mga magulang sa pagtitiwala ng mga ito sa kagawaran ng edukasyon sa pagpapatupad ng limited face-to-face classes. | ifmnews
Facebook Comments