Mga Paaralan sa Region 2 na Nagbigay Kahandaan sa Face-to-Face Classes, Nadadagdagan pa

Cauayan City, Isabela-Mahigit 1,800 na mga paaralan sa rehiyon dos ang nagbigay kahandaan para sa implementasyon ng face-to-face to classes sa papasok na school year 2022-2023.

Ayon kay DepEd Region 2 Regional Information Officer Amir Aquino, patuloy ang ginagawang assessment at validation ng Department of Education (DepEd) Region 2 katuwang ang mga Local Government Units sa mga paaralan na nagsumite ng mga dokumento para sa progressive expansion ng face-to-face classes.

Aniya, maraming paaralan ang nagsumite ng mga dokumento para sa kanilang aplikasyon sa face-to-face implementation classes.

Tinitiyak rin aniya ang kahandaan ng mga paaralan hanggang sa makamit ang 100% implementation of face-to-face classes ngayong papasok ang next school year.

Kaugnay nito, may tatlong dibisyon na sa rehiyon ang 100% fully implemented na ang F2F na kinabibilangan ng School’s Division of Ilagan, Cauayan at Batanes habang maliit na porsyento pa lang sa private schools.

Samantala, masaya namang ibinahagi ni Aquino na ang Project Class Home na inumpisahan ng Kagawaran noong taong 2019 ay napili na maging bahagi ng report ng Pilipinas as “Best Practice” na isa-submit sa United Nations.

Umaasa naman ito na hindi na magkakaroon ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa buong bansa upang makabalik na ang lahat sa face-to-face classes.

Facebook Comments