Ilang pangalan na lumalabas na bibigyang pwesto ni President-elect Marcos kinumpirma ni incoming PCOO Chief Trixie Angeles

162

Kinumpirma ni incoming PCOO Secretary Trixie Cruz Angeles na nababanggit ang mga pangalan nina dating Congressman Rodante Marcoleta para maging susunod na kalihim ng Department Of Energy, gayundin si Rigoberto Tiglao at Atty. Karen Jimeno bilang Presidential Spokesperson.

Sa Laging Handa Public press briefing, sinabi ni Angeles na bagama’t lumulutang ang naturang mga pangalan ay wala pang desisyon hinggil dito.

Ani Angeles, patuloy pa itong pinag-aaralan ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Paliwanag nito, maingat na pinag-aaralan kung sino ang pwedeng ipwesto katulad na lamang sa Department of Agriculture (DA) kung saan mula nang maiproklama si President-elect Marcos ay marami nang nagsusumite ng aplikasyon.

Ilan pa sa mga lumulutang na pangalan para mailagay sa Department of Transportation (DOT) ay sina Presidential Adviser for COVID-19 Response Secretary Vince Dizon dating DPWH Secretary Rogelio Singson.

Facebook Comments