Mga paaralan sa South Korea, ipinasara dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19

Muling ipinasara ng South Korea ang lahat ng mga paaralan dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Kasunod na rin ito ng pagpalo sa halos 200 staff ng paaralan at mga mag-aaral ang nadapuan ng virus sa loob lang ng dalawang linggo.

Ayon sa Ministry of Education, dahil sa pangyayari ay gagawin na lamang online ang klase ng mga mag-aaral, maliban sa mga high school na kukuha ng college entrance examination.


Magugunitang nagbukas ang klase noong May 20, 2020 ang South Korea matapos ang pagbaba ng kaso ng Coronavirus.

Facebook Comments