Nakatakda nang isapubliko ng Department of Education (DepEd) ang mga paaralang sasailalim sa pilot face-to-face classes.
Pero paglilinaw ni DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan, kailangan muna nilang ipaalam sa regional directors ang naipiling mga paaralan sa kanilang mga lugar.
Paliwanag nito, importanteng masagot muna nila ang lahat ng katanungan at klaripikasyon ng bawat regional directors tungkol sa kanilang naging risk assessment.
Sinabi rin ni Malaluan na sa oras na maisapinal na ito ay agad nila itong isasapubliko.
Samantala, inihayag ni DepEd Usec. Annalyn Sevilla na may pondong nakalaan sa mga gastusin ng paaralan na pagdarausan ng face-to-face classes.
Aniya, kahit pa man noong wala pang physical classes ay nagbibigay na ang ahensya ng karagdagang Maintenance and other Operating Expenses (MOOE) sa mga eskwelahan.