Umabot na sa 6,121 na mga paaralan sa buong bansa ang nagsasagawa ng expansion phase ng limited in-person classes.
Ito ay mas marami kumpara sa 4,315 na paaralan na kalahok sa limited in-person classes hanggang nitong March 2.
Batay sa Department of Education (DepEd), nasa 887,348 mag-aaral sa elementary at high school ang dumadalo sa limited in-person classes.
Ang mga mag-aaral ay sumailalim sa orientation at psycho-social activities sa unang araw ng kanilang pagbabalik paaralan.
Tiniyak naman ng DepEd na ilang paaralan pa ang magpapatupad ng limited in-person classes sa mga susunod na araw.
Facebook Comments