Bagong talagang chairman at mga miyembro ng COMELEC, babantayang mabuti ng mga senador

Babantayang mabuti ng mga senador ang bawat kilos ng chairman at mga bagong commissioner ng Commission on Elections o COMELEC.

Sinabi ito ni Senator Koko Pimentel kasunod ng pagtalaga kay National Commission on Muslim Filipinos Secretary Saidamen Balt Pangarungan bilang chairman ng Comelec.

Itinalaga rin na Ad Interim COMELEC Commissioners ang Election Lawyer na si Atty. George Erwin Garcia at Department of Social Welfare and Development (DSWD) undersecretary Aimee Torrefranca-Neri.


Sabi ni Pimentel, agad nilang ipapabatid sa taumbayan kung mahusay o may hindi makatwiran sa trabaho ng mga opisyal ng COMELEC.

Giit ni Pimentel sa mga bagong itinalaga sa COMELEC, maging professional sa pagganap sa kanilang tungkulin at huhusgahan sila ng kasaysayan.

Facebook Comments