Mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon, nararanasan dulot ng Northeast monsoon at tail-end frontal system – ayon sa PAGASA

Patuloy na nakakaranas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi ng lalawigan ng Cagayan at Isabela dala ng Northeast monsoon.

Sa inilabas na Rainfall Advisory ng PAGASA, patuloy na uulanin ang mga nabanggit na lalawigan sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras.

May mga pag ulan din ang naranasan sa Tuguegarao City, Cagayan at iba pang lugar sa Aurora Province.


Dahil dito, pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa posibleng pagbaha at landslide lalo na sa mga gilid ng bundok.

Samantala dulot naman ng tail-end frontal system ang nagpapa-ulan sa Northern at Southern portion ng Palawan kabilang ang Kalayaan Group of Islands.

Nakataas na ang Orange warning level partikular sa Timog na bahagi ng Palawan dahil sa posibleng pagbaha sa mga low lying areas dulot ng malakas na pag ulan.

Facebook Comments