MANILA – Umakyat na sa halos walong milyong balota ang naimprenta na ng National Printing Office (NPO) hanggang kagabi.Ayon sa ulat ng COMELEC, mahigit 11 percent pa lang ito ng kabuuang 55 million official ballots na gagamitin sa darating na eleksyon.3.8 percent pa lang sa mga ito ang naisalang sa berepikasyon ng mga tauhan ng Npo at naisalang sa Vote Counting Machines.Nilinaw naman ng komisyon na sadyang inuna ang para sa malalayong lugar kaya huwag ikabahala ang zero printing status sa mga lugar na malapit lamang sa Metro Manila.Isa sa pangunahing dahilan ng printing arrangement ay ang layo ng mga lugar na pagdadalhan ng official ballots.Kaugnay nito, welcome ang Comelec ang mga amyendang isinusulong ng ilang presidential candidate, matapos mapuna ang unang paghaharap ng mga kandidato sa Cagayan de Oro dahil sa kakulangan ng oras at iba pang isyu.Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, ginagawa nila ang lahat para mapagbuti ang mga aktibidad na magbibigay ng pagkakataon sa mga botante na higit na makilala ang kanilang susuportahang presidentiable.Una nang sinabi ni Vice President Jejomar Binay na susulat siya sa Comelec para baguhin ang sistema ng debate.Kabilang sa nais ng opisyal na mabago ay ang paghawak sa event ng ilang private firm na nagreresulta sa tambak ng commercial break.Kung ang Comelec na lang aniya ang magpapatakbo nito at gagamitan ng sariling pondo ay hindi na magiging isyu ang putol-putol na debate para sa sponsors.
Mga Pagbabago Sa Ikalawang Presidential Debate, Welcome Sa Commission On Election..Naiimprentang Balota, Nasa 11 Percent
Facebook Comments