Mga paghahanda sa Manila Bay Dolomite Beach, patuloy na isinasagawa para sa muling pagbubukas nito

Patuloy ang ginagawang paghahanda sa Manila Bay Dolomite Beach para sa inaasahang muling magbubukas para sa publiko sa darating na Araw ng Kalayaan o June 12, 2022.

Muling ikinasa ang ilang pagsasaayos at paglilinis sa Dolomite Beach kung saan may mga panibagong tumpok ng buhangin na inaasahang ilalatag dito.

At bukod sa kontrobersyal na Dolomite Beach, may bagong atraksyon din na makikita sa Roxas Boulevard.


Ito ay ang World War II Heritage Cannon sa bahagi ng Remedios Street, o tapat ng Rajah Sulayman Park na galing pa Fort Drum Island.

Ang naturang kanyon ay pormal na ilulunsad sa Independence Day kaya’t inayos at pininturahan na ang mga kanyon.

Ayon sa Department of Enviroment and Natural Resources (DENR), sa muling pagbubukas ng Dolomite Beach ay mahigpit pa rin paiiralin ng health protocols kontra COVID-19 tulad ng pagsusuot ng face mask at kung maaari ay fully vaccinated na ang bawat tutungo dito.

Nabatid na nasa 1,500 hanggang 3,500 na katao naman ang maaaring makapasok sa Dolomite beach sa mga oras na ilalabas ng DENR.

Facebook Comments