Mga paghahanda sa Undas, kasado na sa Marikina City

Ipinag-utos na ni Marikina City Mayor “Marcy” Teodoro sa lahat ng Concerned Departments na tiyakin na lahat ng mga plano para sa Undas ay nasa maayos.

Partikular na dito ang security measures at traffic re-routing schemes sa mga daan papunta sa 5 sementeryo sa Lungsod.

Nauna nang ininspeksyon ni Mayor Teodoro ang Loyola Memorial Park, Barangka Municipal Cemetery, Aglipay Cemetery, Holy Child Cemetery, at Our Lady of Abandoned.


Binuo na rin ng alkalde ang “Oplan Undas” Task Force na pinamunuan ni  Councilor Manny Sarmiento at mga miyembro mula sa  Marikina City Police, Office of Public Safety and Security (OPSS), City Health Department, City Disaster Risk Reduction and Management Office -Marikina Rescue 161, Bureau of Fire Protection, Barangay Officials at iba pang   Concerned Departments na naka  stationed sa mga sementeryo.

Epektibo alas 12:00 ng tanghali ng October 31, ipapatupad na ang Traffic Rerouting sa mga piling lugar sa lungsod na tatagal hanggang alas 6:00 ng hapon ng November 3.

Ipinagbabawal na rin sa mga vendors ang pagtitinda sa mga kalsada at sidewalks na malapit sa sementeryo. Papayagan lamang sila sa mga itatalagang designated areas.

Dagdag pa ni Teodoro, lahat ng Command Centers at Police Assistance Desks ay ilalagay malapit sa Entrance ng mga sementeryo.

Facebook Comments