Iginiit ni Senator Kiko Pangilinan sa mga lokal na pamahalaan na bilhin sa mga magsasaka at mangingisda ang bigas, prutas, gulay, isda at iba pang produkto na ipapamigay sa mga apektado ng lockdown o enhanced community quarantine.
Diin ni Pangilinan, mas mabuting mamahagi din ang mga LGUs ng mga produktong pang-agricultura at pangisdaan para matulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa kanilang lugar.
Paliwanag ni Pangilinan, sa mga ipinapatupad na hakbang ngayon para tugunan ang pagkalat ng COVID-19 ay siguradong marami ding mga magsasaka at mangingisda ang apektado at dapat din silang mabigyan ng ayudad.
Ang mungkahi ni Pangilinan ay naaayon sa Sagip Saka Law kung saan inaatasan ang mga ahensya ng gobyerno na direktang bumili ng produkto sa mga magsasaka at mangingisda.
Maaari aniya itong gawin sa pakikipagugnayan ng mga LGU sa Department of Agriculture (DA).