Inilabas na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagsasaluhang pagkain mamaya ng mga bisitang dadalo sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Sa ‘cocktails menu’ ay kabilang sa mga ihahanda ang sago’t gulaman, bam-i guisado, grilled pandesal na may pagpipiliang palaman na kesong puti, vigan longganisa o kaya ay beef humba, ensaymaditas with manchego ube, pandan o classic flavor at empanaditas na spicy o picadillo.
Dagdag din sa menu ang plantain crisps, bacalao alla vizcaina (fish stew), palitaw, puto bumbong at bibingka.
Mayroon ding halo-halo, kape at tsaa.
Inihahanda ito pagkatapos maihatid ng pangulo ang kanyang SONA.
Samantala, habang papalapit ang oras ng SONA ni Marcos ay mas lalong humihigpit ang seguridad sa Batasan Complex.
Ngayong hapon, tanging makakapasok na lamang sa plenaryo ay mga imbitadong mga dating pangulo at pangalawang pangulo, mga kongresista, senador, diplomats, justices, at iba pang VIPs.
Mamayang alas-2:00 ng hapon, inaasahang mawawalan na ng signal ang buong Batasan Complex.