HELPER NG TINDAHAN, ARESTADO SA PAGNANAKAW

Naaresto ang isang helper ng tindahan matapos mahuling nagnanakaw sa Barangay San Fermin, Cauayan City kahapon, Hulyo 24, 2022.

Kinilala ang suspek na si Christian Pascual, 29 taong gulang, residente ng Barangay District 1, Reina Mercedes, Isabela.

Ayon sa PNP, napansin ng anak ng may-ari na walang padlock ang roll-up ng pintuan ng kanilang tindahan at ito rin ay bahagyang bukas, nang lapitan ay nakarinig ito ng ingay kung kaya’t tinawag ang kanyang ama at agad humingi ng tulong sa pulis.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nahuli ang suspek ng madiskubre ang isang tsinelas sa loob ng banyo kung saan bukas din ang ilaw at may mga pinag patong-patong ding kahon na hinihinalang ginamit ng lalaki upang makaakyat sa kisame.

Nakita sa kisame ang isang sako na naglalaman ng 24 reams at anim na pakete ng sigarilyo na nagkakahalagang mahigit 30,000 pesos. Doon din nahuli ang suspek na nagtatago sa isang malaking kahon.

Nasamsam din mula sa suspek ang perang nagkakahalang 2,370. Nadiskubre din na nawawala pa ang karadagang mahigit 2,000 pera sa drawer ng tindahan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulis ang suspek at nahaharap sa kasong pagnanakaw.

Facebook Comments