Mga Pagkaing Pang-detoxify ng Iyong Katawan

Nagiging trend na sa atin ngayon ang pagiging health conscious at pagkakaroon ng mga bodycare routines para mapangalagaan ang blooming at fresh na aura.

Isang paraan ng pag-preserba sa ating natural beauty ay ang pag-detoxify ng ating katawan. Ito ay isang paraan kung saan tinatanggal ang mga toxins o chemical na nakasasama sa ating katawan lalo na sa ating outer parts gaya ng sa balat.

Paano nga ba ang mag-detoxify? Narito ang ilan sa mga pagkain na epektibo para ma-detoxify na’tin ang ating katawan para mas maging maganda, fresh at blooming tayo.


 

GREEN FOODS

Sagana ang mga ganitong pagkain sa chlorophyll, isang substance na karaniwang nagbibigay ng kulay (berde) sa mga halaman. Nakatutulong ito upang maalis ang mga toxins na nanggaling sa ating kapaligiran o tinatawag na environmental toxins.

 

CITRUS FRUITS

Ang mga pagkaing mayaman sa citric acid gaya ng orange, calamansi, dalandan at lemon ay nakatutulong sa pag-flush out ng unwanted toxins  sa ating katawan.

 

GARLIC

Nakatutulong ang garlic o bawang sa pag-produce ng detoxifying enzymes na siyang nakapagpapabilis ng paglilinis ng ating katawan.  Maaring ihalo ito ng hilaw o luto sa kahit anong putahe.

 

GREEN TEA

Mayaman ang mga tsaa sa catechins, isang antioxidant na nakatutulong sa pagpigil ng  mga unwanted toxins sa pagdami sa ating katawan lalo na sa ating digestive system.

 

OMEGA-3 OILS

Ang mga pagkaing may Omega-3 oils ay nakatutulong sa pagtanggal o pag-alis ng mga toxins sa ating katawan. Ilan sa mga pagkaing may omega-3 oils ay isda o iba pang uri ng seafood at pati na rin mga mani o seeds and nuts.

Mahalaga ang mag-detoxify ng ating katawan dahil nakatutulong ito para mas mailabas ang ating natural na ganda na siyang nauuso ngayon.


Article written by Jose Martin Oanes

Facebook Comments