Mga pagkaing sobrang maalat, pinapapatawan ng dagdag na buwis

Pinapapatawan ng dagdag na buwis ng isang kongresista ang mga pagkaing sobrang maaalat.

Tinukoy ni Barangay Health Workers (BHW) Partylist Rep. Angelica Natasha Co na ang mataas na “sodium consumption” ay nakapagpapataas ng panganib sa kalusugan dahil ang mga sobrang maaalat na pagkain ay nauuwi sa “cardiovascular” at “kidney disorders” na nagiging sanhi ng pagkasawi ng maraming Pilipino taon-taon.

Isusulong ng kongresista sa pagpasok ng 19th Congress ang pagpapataw ng two-tier tax sa mga “high-sodium content” na pagkain nang sa gayon ay mahikayat ang mga food manufacturers at producers na gumawa ng mga produktong may “low sodium”.


Bababaan naman ang buwis ng mga food manufacturers at producers na “low sodium” naman ang produkto.

Sa kabilang banda, hindi naman papatawan ng dagdag na buwis ang mga pagkain tulad ng “dried fish” at “dried meat” kundi aatasan naman ang mga Local Government Unit (LGUs) na bigyan ng insentibo ang mga gumagawa ng nasabing produkto na “less salty” o hindi masyadong maalat.

Tulad sa ipinataw noon na dagdag na buwis sa mga matatamis na pagkain at inumin, ang buwis na makokolekta mula sa mga “high sodium” na pagkain ay idadagdag sa buwis sa Universal Health Care Act.

Facebook Comments