Mga pagkukulang ng liderato ng CHR, inupakan ni Justice Sec. Aguirre

Manila, Philippines – Inupakan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang aniyay mga butas sa liderato ng Commission on Human Rights sa pag-protekta sa karapatan ng lahat ng mamamayan.

Ayon kay Aguirre, dapat na manindigan ang CHR laban sa lahat ng uri ng paglabag sa karapatang pantao.

Sa ilalim aniya ng Konstitusyon, mandato ng CHR na protektahan ang human rights ng lahat ng tao sa Pilipinas at kabilang na rito ang mga nabibiktima ng mga rebeldeng grupo at napapatay na mga otoridad.
Sinabi ni Aguirre na marahil ay ito ang pinagbasehan ng Kamara kung bakit nagpasya itong bigyan ng isang libong pisong budget ang CHR.


Facebook Comments