Mga pagpatay sa mga sibilyan sa Negros Islands sa gitna ng COVID-19 pandemic, kinondena ng militar

Inakusahan ng Philippine Army sa Negros Occidental ang New People’s Army (NPA) ng walang pakundangang pagpatay sa mga inosenteng sibilyan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay 303rd Infantry Brigade Commander Colonel Inocencio Pasaporte, ang mga pagpatay ay malinaw na katibayan na nangungunang human rights violator sa Negros Island ang CPP-NPA.

Paliwanag ng opisyal, mula noong Hunyo ngayong taon, brutal na pinaslang ng Communist NPA terrorist group ang pitong sibilyan na kinabibilangan nina Gilbert Garlit sa Sitio Pinanlagan, Brgy. Carol-an, Kabankalan, Joelito Hilacio sa Sitio Lunoy, Brgy. Carabalan at Randy Rociano sa Sitio Asaran, Brgy. Buenavista, pawang nasa Himamaylan City, Negros Occidental.


Pinagpapatay rin ng mga ito sina Deopanis Pacunla at Eldeson Martonillas sa Brgy. Luz, Guihulngan City ang mga swine dealer na sina Jimmer Fundador at Romeo Dungoan sa Sitio Mandi-e, Brgy. Magsaysay ng nasabing lungsod.

Kung matatandaan, pinatay rin ng Teroristang grupo si Col. Mark Anthony Quiocson sa nasabi ring barangay.

Ayon kay Pasaporte, ang mga nangyaring pagpatay ay ikinagalit at kinondena ng mga local official at nanawagan sa mamamayan na manindigan laban sa CPP-NPA.

Facebook Comments