Manila, Philippines – Ang mga nangyaring pagsabog sa Mindanao ay patunay lamang na nasa peligro pa ang mga residente ng rehiyon kaya nararapat lamang na ipagpatuloy ang pagpapairal ng batas militar sa rehiyon.
Sa kaniyang powerpoint presentation, iginiit sa Korte Suprema ni Major General Pablo Lorenzo, AFP deputy chief of staff for intelligence, sa dalawampung buwan ng pagpapairal ng Martial Law sa Mindanao, nanananatili pa rin ang rebelyon sa rehiyon.
Sa katunayan aniya, apat na local terrorist groups at foreign fighters ang nakapaligid ngayon sa Mindanao.
Sa kasalukuyan aniya walo pa ang kidnap victims na hawak ng mga terorista doon.
Iniulat din ni Lorenzo ang 36 recruitment at 8 training activities na isinagawa ng grupong Daulah Islamiyah sa Mindanao.