Mga pagtitipon sa GCQ areas ngayong Pasko, limitado lamang sa 10 tao – Nograles

Nagpaalala si Cabinet Secretary Karlo Nograles sa mga nakatira sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at mahigpit na ipinagbabawal ang mass gatherings pero ang Christmas events tulad ng parties at family bonding o reunion ay limitado lamang sa 10 tao.

Nabatid na nakatakdang i-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang bagong quarantine classifications para sa buwan ng Disyembre.

Ayon kay Nograles, naiintindihan ng gobyerno na nais ng mga tao na ipagpatuloy ang kanilang holiday traditions pero may mga patakaran na kailangang sundin lalo na at nananatiling banta ang COVID-19.


Aminado si Nograles na ang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon ay magiging iba dahil sa pandemya at may ilang tradisyon ang hindi magagawa.

Ang Department of Health (DOH) ay naglabas na ng guidelines sa gatherings at para sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ tulad ng National Capital Region (NCR).

Facebook Comments