Patuloy na nakakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng mga pagyanig sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Ayon sa PHIVOLCS, pitong volcanic earthquakes ang namonitor nila sa Bulusan nitong nakalipas na 24-oras.
Mababa ito kumpara sa 29 volcanic earthquakes na naitala kahapon.
Sa kabila nito, ipinagbabawal pa rin ng PHIVOLCS ang pagpasok sa 4-kilometer-radius Permanent Danger Zone (PDZ) at 2-kilometer Extended Danger Zone (EDZ).
Samantala, sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Spokesperson Mark Timbal na kanila nang inaalam kung nakabalik na sa kani-kanilang tahanan ang lahat ng residente na apektado ng ashfall sa Juban, Casiguran, at Irosin.
Ayon kay Timbal, wala na kasing inilalabas na abo ang bulkan kaya nagsimula nang maglinis ng kanilang mga tahanan ang mga apektadong residente.
Sa ngayon ay nananatili sa 20-milllion pesos ang naitalang pinsala ng pagputok ng Mt. Bulusan sa agrikultura habang wala naman pinsala sa imprastraktura.