Manager ng isang pawnshop natagpuang patay sa loob ng kanilang establisyemento

52
Kalibo, Aklan – Wala ng buhay ng matagpuan kaninang umaga sa loob mismo ng pawnshop ang manager sa Mabini St., Kalibo, Aklan. Sa report ng Kalibo PNP na kaninang umaga ay nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na nagsasabing may nakitang patay sa loob ng RD Pawnshop. Agad namang nagresponde sa lugar ang miyembro ng Kalibo PNP sa pangunguna ni PLT AUBREY AYON, DCOPO at PSSgt. Dande Dela Cruz- Duty Investigator para na ma verify ang nasabing report. Sa kanilang inisyal na imbestigasyon lumalabas na mga alas 7:40 kaninang umaga itong si Ronel Arboleda, 38-anyos at residente ng Brgy. Guinbaliwan, New Washington, Aklan, incoming duty Security Guard sa ilalim ng Lion Heart Security Agency kasama ang mga staff ng RD Pawnshop, ay magkasamang bubuksan sana ang ang Pawnshop bilang parte ng kanilang Standard Operating Procedure (SOP). Habang kanilang binubuksan ang roll-up door, nadiskubre nila na ang folding grill sa loob ng pawnshop ay bukas. Agad silang nagsagawa ng ocular inspection sa loob ng Pawnshop at kanilang nadiskubre ang patay at duguan na katawan ng kanilang manager na nakilalang si Bonna Hercia Ambay, 23-anyos, tubong Pandan, Antique, at kasalukuyang nagboboard sa Crossing Buswang, Kalibo, Aklan. Nagrequest agad ang Kalibo PNP ng assistance ng Aklan Crime Forensic Unit 6 para ma proseso ang crime scene. Lumalabas naman sa kanilang imbestigasyon na ang biktima ay natamo ng multiple stab wounds sa iba’t-ibang parte ng katawan. Na-recover sa lugar ng insidente ang mga masunod: One (1) handbag color beige (coach brand), na may marka ng dugo at pinaniniwalaang pagmamay-ari ng biktima, isang paris ng itim na tsenelas Havaianas na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng suspek, isang posas na may dugo, isang kulay pink na coin purse, isang kutsilyo na may haba more or less 21 centimeters mula sa hawakan hanggang dulo at may dugo, uniporme ng gwardya at may name tag na Torrefiel MR na may dugo at towel na may dugo. Sa kasagsagan ng imbestigasyon, inihayag ni Ms. Leamil Malungayon, Area Manager ng RD Pawnshop na walang nawawalang mahahalagang bagay sa Pawnshop at ang kanilang vault ay intact. Sinabi rin nito na base sa staff ng RD Pawnshop na naka duty kahapon Hunyo 5, iniwan nila ang kanilang branch manager at ang Security Guard na si Mark Archie R. Torrefiel, 31-ayos at residente ng Brgy. Cajilo, Makato. Base sa CCTV Footage mga bandang alas 5:30 ng hapon kahapon umalis ang security guard na nag iisa at sumakay ng tricycle dala ang service firearm na .38 revolver na pagmamay-ari ng kanilang agency. Sa isinagawang follow up investigation, na recover ang service firearm nito na .38 revolver sa Brgy. Cajilo, Makato sa puno ng saging malapit sa tinutuluyang bahay ng suspek. Napag-alaman na ang suspek ay agad tumakas kasama ang kanyang live-in partner sakay ng 2GO sa Caticlan gabi ng Hunyo 05, 2022. Sa ngayon ang bangkay ng biktima ay nasa pangangalaga na ng Donguines Funeral homes at nakatakdang isailalim sa Autopsy examination. Nagpapatuloy pa rin ang manhunt operation nga mga otoridad para na makita ang suspek at maaresto. Samantala, nag offer na ng Reward na P 30,000 si Kalibo Mayor Elect Juris Bautista Sucro sa sinong makapagturo sa suspek.
Facebook Comments