Mga pahayag ni PBBM sa IISS Shangri-La dialogue, suportado ng isang defense expert

Kumpiyansa ang defense expert na si Renato de Castro na naiparating ng mahusay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa IISS Shangri-La dialogue sa Singapore ang kaniyang mensahe kaugnay ng tension sa West Philippines Sea (WPS).

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni De Castro na direktang naiugnay ng pangulo sa mga Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) partners at sa mga indo-pacific leader ang usapin sa strategic competition at maging ang usapin ng core interst ng China sa Taiwan .

Matatandaan na nitong nakalipas na mga linggo ay nagsagawa ng malawakang military exercises ang China kung saan ito ay ikinabahala ng mga kalapit na bansa.


Si Pangulong Marcos ang kauna-unahang lider ng bansa na nag-deliver ng keynote speech sa Shangri-La dialogue kung saan binigyan-diin ni pangulo na sa ilalim ng Treaty of Paris, ang Pilipinas ay isang commonwealth nation na ang karagatan ng WPS ay bahagi ng kasaysayan ng Pilipino.

Facebook Comments