
Muling nagbanggaan sina Vice President Sara Duterte at Palace Press Officer Claire Castro matapos ang naging pahayag ni VP Sara na layon umano ng pamilya Marcos na manatili sa kapangyarihan.
Ayon kay Castro, puro salita at bintang lamang ang mga akusasyon ng bise presidente laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Alam aniya ng taumbayan na si Pangulong Marcos ay seryosong lumalaban sa korapsiyon, isang bagay na hindi raw nagawa noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Binanatan pa ni Castro ang nakalipas na administrasyon dahil sa umano’y pagtatanggol noon sa mga sangkot sa Pharmally scandal, at sinabing ngayon ay nililinis ng Pangulong Marcos ang mga kalat na iniwan ng mga Duterte.
Giit pa ni Castro, hindi dapat ilihis ni VP Sara ang usapan para takpan ang mga pagkukulang ng Duterte administration.









