Naniniwala si Dating Kongresista na ngayon ay bahagi na ng isang Advocacy group na si Atty Terry Ridon na dapat i-adopt o gawin ng mga Frontline Agencies ng pamahalaan ang mga pahayag ni pangulong Rodrigo Duterte upang maging epektibo ang serbisyo ng pamahalaan partikular ang elektrisidad na itinuturing na kritikal sa daloy ng kalakalan at pamumuhay ng sambayanan.
Sa ginanap na forum sa Balitaan sa Maynila sinabi ni Atty. Ridon, dating miyembro ng House Energy Committee na ngayon ay Convenor ng Infrawatch PH, ang naging pahayag ng Pangulo na ayaw niya ng mga nakatengga o tinutulugang mga papeles sa kanilang mga tanggapan upang mapabilis ang pag-usad ng mga proyekto.
Paliwanag ni Ridon, maraming nakatambak na papel gaya ng mga proposal sa Department of Energy, para sa pagpapatayo ng mga bagong planta para sa generation ng elektrisidad, ngunit hanggang ngayon aniya ay walang nakikita kung ano na ang nangyari.
Wala rin aniyang naitatayong bagong planta na susuporta sa lumalaking pangangailangan sa supply ng kuryente na kung naaksiyunan agad ng Frontline Agency ng pamahalaan ay naiwasan sana ang mga pagkukulang sa enerhiya.