Mga pakinabang sa EDCA, inilatag ng Malacañang

Binigyang diin ng Malacañang na maraming benepisyo sa Pilipinas ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Sa isang statement inilatag ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga pangunahing layunin ng EDCA kabilang ang mas mabilis na pag-aabot ng tulong ng Estados Unidos sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Maging ang pagpapatibay sa maritime security, pagpapa-unlad ng kakayahan sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at pagpapalakas sa external defense.


Paliwanag pa ng PCO, ang EDCA ay magpapabuti sa ekonomiya dahil sa maibibigay na mga trabaho at oportunidad sa konstruksyon sa mga napagkasunduang lokasyon.

Makakabili rin ayon sa PCO ang US ng mga lokal na produkto at kagamitan para sa kanilang mga sundalo at iba pang tauhan.

Kahapon ay inanunsyo ng Palasyo ang apat na lokasyon para sa karagdagang EDCA sites kabilang ang Naval Base sa Sta. Ana, Cagayan; La-Lo Airport sa Cagayan; Camp Melchor dela Cruz sa Isabela; at Balabac Island sa Palawan.

Facebook Comments